Source: spiritualinspiration
Choose Jesus. (Taken with instagram)
Source: faithisthereason
Sana’y yakapin mo akong muli.. Kahit sandali.. Kahit isang saglit.
Mayakap ka.
Rants.
Hybrid ng rat and ants.
Joke. Gusto ko sana gawin kaso.. Wag na lang.
Pipigilan ko. Kailangan kong pigilan. Wala akong karapatang mag-rant.
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.
Sa ngayon, aalisin na lang muna kita bilang wallpaper ko.
wala e.
kahit anung gawin ko..

Curiosity.
Maraming tanong ang nabubuo sa isipan ko ngayon, at hindi ko naman inaasahan na masasagot kaagad ang mga ito. Kahit naiinis ako do’n sa crap na “malalaman ko din ang kasagutan balang araw o sa tamang panahon”, wala na akong magagawa kundi hintayin na nga lang talaga ang pagdating ng araw na yon.
Pero paano kaya kung hindi naman pala darating ang araw na yon? Paano kung walang nakalaang sagot para sa mga katanungan ko? Paano kung nakatakdang hindi masagot ang mga tanong na yon? Habambuhay ko na lang bang bubulabugin ang bawat sulok ng utak ko hanggang sa mag-harakiri na lang ang brain cells ko? Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi napapakali hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo, hindi nakakatulog hangga’t hindi ko naaalala ang dapat kong maalala o nalalaman ang dapat kong malaman.
——————–
Bakit kaya may mga taong malalakas ang loob na magbitiw ng salita pero hindi naman nila kayang panindigan ito? Paaasahin ka lang sa mga pangako nila hanggang sa ikaw mismo e makalimot na.
Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan. Pangako, sa susunod, babawi ako sayo. Magbabago na ako. Hinding-hindi na ulit kita sasaktan. Hinding-hindi ka na ulit iiyak dahil saken. Magkasama nating tutuparin ang mga pangarap natin. Mamahalin kita habambuhay…
At bakit naman kaya may mga bagay na masarap paniwalaan kahit alam mo namang walang katotohanan?
Hindi man niya ako kayang mahalin ngayon, naniniwala ako na balang araw ay matututunan din niya ito. Hindi ako susuko, nararamdaman kong may pag-asa pa kami, may pag-asa pa ako. Ang sabi niya saken magbabago na raw siya, nararamdaman ko namang tapat siya nang binitiwan niya ang mga salitang ito, panghahawakan ko ang sinabi niya.
——————–
Curiosity.
At dahil hindi ko matagalan na wala akong alam, madalas ako tuloy ang nagiging patunay sa kasabihang “Curiosity kills the cat.” Maraming bagay ang natutunan ko na nakabuti naman saken, pero may mga bagay na ikinamatay ko nang malaman ko. May mga pagkakataong nagpapasalamat ako at naging malinaw na saken ang ipinapangamba ko. May mga pagkakataon din namang hinihiling ko na sana hindi ko na lang inalam, sana hindi na lang ako nagpadala sa curiosity ko. Dahil may mga katotohanang masakit. Mabigat sa puso. Mahirap tanggapin.
——————–
“Curiosity kills the cat.”
Pero nakalimutan nilang may siyam na buhay ang pusa…hindi namamatay nang ganon-ganon lang.
“Yon na nga e. Pangalawang beses mo na ‘tong nasaktan. ‘Di ba dapat, sanay ka na, mas malakas ka na?” —Raymond Bagatsing, Soltera
Oo nga naman. Hindi ba dapat, kapag nasaktan na tayo noon, sa susunod e dapat mamaniin na lang natin yon? Kumabaga, dapat immune na tayo do’n. Parang bulutong…’pag nagkaron ka na dati, hindi ka na mahahawa o magkakaron ulit. (magandang logic ‘to. Pag-ibig at bulutong?) Pero hindi rin…kasi every pain is a different kind of pain. Nasaktan ka na noon, nasaktan ka ulit ngayon…at kung paulit-ulit ka pang masasaktan, ganon pa rin, masakit pa rin. Tulad nga ng nasabi ko sa isang kaibigan na takot umibig kasi takot masaktan, walang immune immune sa pag-ibig. Love and pain are inseparable. Ganon talaga kapag gusto mong maging maligaya nang lubusan, may mga bagay kang i-ri-risk.
No walls, no ceilings, no floors.
Simple lang naman kung bakit ko nagustuhan yung kantang yon—kasi ganon yung pilosopiya ko sa pag-ibig. Ganon ako magmahal…sa tingin ko. Kasi ganon na ganon yung gusto kong sabihin sa kanya.
Gusto kong sabihin sa kanya na hayaan niya akong mahalin siya. Na ‘wag siyang matakot…kung natatakot man siya sa napaka-nakaka-allergic na salitang commitment. Dahil hindi ko naman siya ikukulong sa puso ko, hindi ko siya sasakalin sa mga yakap ko, hindi ko siya itatali sa mundo ko. May kalayaan pa rin siya. Ganito ang klase ng pag-ibig na kaya kong i-alay sa kanya.
Dahil ganito din ang klase ng pag-ibig na gusto kong maramdaman mula sa kanya, kung sakali mang mahalin din niya ako…o kaya kung may mangahas na magmahal saken. Gusto ko, malaya pa rin ako. Malayang gawin ang mga gusto ko. Malayang mag-explore ng ibang mundo. Malayang sundin yung mga pangarap ko para sa sarili ko. Malayang maging ako—loka-loka, tatanga-tanga, freak.
Ganito yung ideal na pag-ibig para saken. Ganito yung pinaka-hinahangad ko para sa sarili ko. Yung pag-ibig na malaya at mapagpalaya, at walang boundaries—no walls, no ceilings, no floors.
Minsan lang kita iibigin.
Hindi yan yung teleserye ni Coco Martin dati. Yan yung kanta na hindi ko na alam kung sino ang orihinal na kumanta dahil ang dami nang sumulpot na versions nyan. Pero pinaka-gusto ko yung version ni Juris at saka yung kay Gary V.
Para saken, isa ‘to sa mga pinakamagandang OPM na narinig ko. Hindi naman sa nakaka-relate ako, pero may feeling ako na masarap siyang pakinggan nang paulit-ulit kapag inlab ka. Lalo na siguro kapag may kutob ka na nahanap mo na nga ang the one mo.
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman
Gaano nga ba kadalas na makakilala ka ng isang tao na may kakayanang magpa-ikot sa mundo mo ng 180 degrees? Na may kakayanang magpa-tumbling sa puso mo dahil sa sobrang saya? Na may kakayanang magpa-apaw ng luha sa mga mata mo dahil hindi mo malaman kung paano mo na-deserve ang pagmamahal ng taong tulad niya? Na may kakayanang magpangiti sayo dahil lang sa naalala niya ang napakaliit na bagay tungkol sayo?
Gaano ba kadalas na makakilala ka ng isang tao na handa mong ipaglaban sa kabila ng pagtutol ng isipan mo? Na handa kang mag-step back at maghintay hanggang sa maging handa na siya o hanggang sa matutunan ka rin niyang mahalin? Na handa mong pag-aksayahan ng luha kahit alam mo naman nung umpisa pa lang na masasaktan ka?
Gaano ba kadalas na makakilala ka ng isang katulad niya?
Minsan lang, ‘di ba? Minsan ka lang magmamahal ng tulad niya, bakit hindi mo pa sagarin? Minsan lang may darating sa buhay mo na katulad niya, bakit hindi mo pa gawin lahat ng maaari mong magawa para lang hindi siya mawala? Minsan ka lang naman magpapaka-tanga, kaya gora na! Malay mo, hindi na maulit ang minsan na ‘to.
“Freedom is life’s greatest lie.”
—Loki
True.
Sabi nila, malaya kang sundin ang pintig ng puso mo…pero hindi rin e.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, malaya kang makakalakad patungo sa gusto mong puntahan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, malaya kang makakalangoy sa sea of passion mo.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, malaya kang umibig at iparamdam ang pagmamahal na ‘to sa taong itinitibok ng puso mo.
Be yourself daw…pero malaya ka nga ba talagang maging ikaw?
Source: prayerstochrist
Good night my sweet prince. :)
:*
It’s more fun in the Philippines.
:)




